Monday, November 25, 2013



Selos lang yan diba?

Away, bati, balikan, loving loving, tampo, away, break-up, bati, balikan, loving loving, tampo, away, break-up, bati, balikan, loving loving…  (repeat til fade)!

Lagi na lang ganito ang eksena. Lagi na lang parang pelikula ng StarCinema o kung kaya yung mga Primetime na palabas sa ABS-CBN at GMA. Ang isang napaka asteeg na pangyayari sa love life ng isang indibidwal ay palaging ganito ang eksena. Sabi nila, (di ko alam kung sino man yung hinayupak na nagsabi pero kung sino man sya, FUCK YEAH) hindi daw relasyon ang isang relasyon kapag di kayo dumadaan sa isang away o di pagkakasunduan. Cool diba. As in talagang predicted na nya na darating talaga yun. Kung wala man dumating, siguro e mala-friends-with-benefits lang ang turingan nyo. Hehe. Peace. :))

Nag away nanaman kasi kami ng girlfriend ko. Badtrip! eto nalang ang laging ingit saken ng mga tropa ko or minsan mga kaklse ko pag nakakausap nila ako. Ewan ko ba kung saang dimensyon o saang quantum continuum sila kumukuha ng napakalakas nyang kapangyarihan na ‘selos’ at laging nararamdaman to ng mga babae at malakas ang kutob kutob. Noong mejo bata-bata pa ako (naks!) hehehe! (4th year! high school!)  Palagi ko hinihiling na magkaroon ako ng girlfriend na selosa para ng saganon e maramdamam ko rin na lalabs na lalabs nya talaga ako at papaliguan ng puspos, umaapaw at siksik na siksik na pagmamahal. Wala pa kasi akong nagiging girlfriend nung time na yun kaya basta basta na lang ang wish ko. Parang wish sa shooting star. Madalian. Di mo kailangan pag isipan. 

At yun nga ang nangyari. Dahil sa tulong ng Law of Attraction at gusto ko nga magkaroon ng girlfriend na selosa, ayun. Yung wish ko  ay natupad . Ang galing no? Hehe. Eto ngayon ang tanong: ‘Naging masaya ba ako sa wish ko na yun?”
Eto ang sagot:

FUCK YEAH!

Equivalent yan ng positive at negative na sagot. Positive kung emphasizing the ‘YEAH’ part at negative kung titignan mo sya as sarcasm. :)

Masaya magkaroon ng selosang girlfriend pero merong mga disadvantages. Masaya dahil una sa lahat, showy ang pagiging caring, talagang mapapansin mong ayaw ka nya mawala sa kanya at nakakagaan ng loob dahil pakiramdam mo naman e lalabs na lalabs ka talaga nya. Sarap kaya sa pakiramdam kapag nagseselos ang girlfriend mo lalo na sa mga friend mong babae. Pakiramdam mo sobrang poging pogi ka na daig mo pa si John Lloyd o kung kaya si Aga Muhlach(tama ba spelling?). 

Pero syempre may mga pangit na part din tulad ng mga sobrang pagseselos. Sa una matutuwa ka na nagseselos sya dahil mapapaniwala mo ang sarili mo na mala-anghel ang muka mo pero di magtatagal e maiinis ka na rin dahil kapag meron kang mga importanteng gagawin at merong kang makikilalang babae, o pakikihalubilo lang sa mga kaibigan mong babae, bigla ka na lang nyang pagagalitan na parang asong nakawala sa kulungan. Kung magtatanong din sya e talaga namang para kang iniimbistigahan ng CIA. Kailangan detalyado ang pagkakapaliwanag mo at dapat smooth dahil isang maling sagot lang ay makakatikim ka na ng natatagong jutsu skills nia "Ryutsui Shosen "Dragon Hammer Flight Strike!!" 

Gusto ko lang linawin na walang masama sa isang lalaki na makipag usap sa isang babae lalo pa’t kaibigan lang naman ang turingan nila. Ang may problema na lang siguro kaya nagkakaroon ng selosan e dahil sa makitid na pag intindi ng isa sa mga nangyayari. Siguro nagiging paranoid. Siguro nawawarfreak lang sya dahil unang papasok sa isip ng babae e nambababae ka. Kahit na ang totoo e wala ka namang ginagawang masama. Kahit nga sabihin mo lang na pupunta ka sa bahay ng kaibigan mo para magjamming o manuod ng movie, iisipin nya merong mga chicks dun at kalandian kayo. Ang mentality nga naman, oo.

Ang lalaki, kung manloloko yan sayo, manloloko yan. Pero tandaan lang dapat na hindi lahat ng lalaki e manloloko. Langya. Hindi yung porket babae ka at yung friend mo na gurlie e niloko ng boyfriend nya e lolokohin ka na rin ng lahat. Hindi ganun. At hindi rin tama na paghigpitan ang boyfriend. Kung yung aso nga e nasasaktan kapag mahigipit ang tali, yung tao pa kaya. Kaya nga kung mapapansin mo, ang asong mahigpit ang pagkakatali, pag nakatakas e kumakakaripas ng takbo. Dahil lahat tayo e merong free will. Tao lang din ang nagpapalabo ng mga sistema na yan. (Langya ang layo na ng mga pinagsasasabi ko!)

Sa mga lalaki naman, ang lalaki tapat yan kung magmahal. Kapag sinabi ng lalaki na baliw na baliw sya sa babaeng natitipuhan nya, totoo yun. Walang duda. Ayaw ng mga lalaki ng kabaduyan kaya kapag ang lalaki e naging baduy sa harapan ng isang babae, ibigsabihin nun sincere ang lalaki. Hindi aso ang mga lalaki.

Sa mga babae, please lang wag naman kayong hustle masyado sa mga boyfriends nyo. Masyado kayong harass eh!? Hindi mawawala ang mga boyfriend nyo kung iniingatan nyo sila. Hindi sila aso. Kung aso man ang tingin nyo, hindi sila pitbull. Ituring nyo silang parang chihuahua. Ilagay nyo sa bag. O kung ayaw nyo e ituring nyo silang parang bestfriends nyo. Kasi ang lalaki kapag gumawa na yan ng bagay na parang sa pelikula na halos mag sacrifice sya ng todo para sayo, it means seryoso yan sayo. Ska, wag maging masyadong insecure. Kung alam mo sa sarili mo na mahal ka nya, wala kang dahilan para maging insecure. Ang dapat mong gawin e ipakita mo sa kanya na deserving ka sa kanya at vice versa. 

So mga bata parang nawawalan na ng sense mga sinasabi ko. Naglabas lang ako ng sama ng loob(bitterfragments) dahil sa nangyari sakin pero  okay na ako. Hehehe. Apir. :) Isipin nyo na lang wala lang tong post ko. Apir! 



No comments:

Post a Comment