eto ang t-shirt na nabili namin sa Cubao kasama ko yung puge kong bestfriend sa cheribil hindi ko na maalala exactly yung apartment nila tagong tago kasi ung lugar bsta my nsa 11th-13th ata ung street niya tpus bago ka makapasok dun sa apartment nila may malaking gate na babalandra sayo na para kang papasok sa isang dungeon sa mga online games hahaha bago namin mahanap yung dungeon gate este yung apartment building na yun nawala pa kami at san san nakapunta at salamat sa GPS ng cellphone ng aking puge na bestfriend nahanap rin namin ang secret shop tambayan nila Jun Sabayton, Ramon Bautista at Lourde De Vera at nung nandun na kami dinobol check pa namin kung dun nga talaga yung bentahan ng epic na t-shirts at salamat naman dun nga! nung una hindi talaga ako makapili sa sobrang daming magagandang design ng t-shirts at dun rin nagpapagawa yung mga ibang sikat na banda gaya ng pedicab, sandwich, eraserheads,etc. maliit lang yung bahay nila puro collection ng mga epic na laruan mga kotse. Gusto ko sana ulit pumunta doon kaso naghahanap ako ng kasama. cnu pwde?? haha.. basta ang masasabi ko lang nung time na nandun ako sa t-shirt shop nila hindi ako makapili ng bibilhin ko, dalawang t-shirt binili ko yung isa "50% tablado 50% friends" na galing rin sa programa ng tales from the friend zone. nagustuhan ko yung design niya kasi simple lang at rak en roll yung pagkaka design at mahilig ako gumawa ng mga post about sa friendzone kaya siguro ayun nalang binili ko. rak en rol! para sa TomTees for this one of a kind epic shirts na ginagawa nila.
No comments:
Post a Comment