Thursday, November 21, 2013




Ang past time ko nung bata ako: Mag-alaga ng local rare na Gagamba

Bigla ko namiss yung mag-alaga ng gagamba. Past time ko nung bata ako na mang-huli at mag-alaga ng gagamba kasama ang mga yagit kong mga tropa gigising kami ng 5am at mamumundok yung malapit sa San Beda Taytay dating bundok kasi dati yun. at meron pang mga tawag sa mga gagamba.May tinatawag na gagambang mais, gagambang kuryente, gagambang tala, gagambang tigre, gagambang derbi, gagambang talahib at gagambang ekis,gagambang talon at syempre hindi mawawala ang gagambang bahay!(pagkain ng mga nahuhuli kong gagamba) and etc. Sabi ng halos lahat, pinakamahina yung gagambang bahay kasi, ewan ko, papetiks-petiks lang siguro kasi yung gagamba. Pachill-chill lang siguro kaya mahina. O kaya naman e yung gagambang talon, dahil talon lang ng talon. Ewan ko ba sa mga kabataan noon kung bakit nauso yung pangalanan ang gagamba. Depende kasi siguro kung saan mo nakuha yung gagamba kaya ganun siguro naisip ng mga kabataan dati.

Naisip ko dati kapag meron kang gagambang kuryente (yung nakukuha sa mga kawad ng kuryente ng Meralco) e may power sya mangkuryente ng kalaban. Yung gagambang mais siguro, ewan ko. Siguro kumakain ng mais tapos lumalakas sya kasi pampalakas ang mais e. Ewan ko, ganun siguro yun. O kaya yung gagambang tala, siguro galing sya ng outer space kaya may hybrid sya ng space spider at pinoy spider kaya malakas. Haha.
Daig ko pa ang Pokemon trainer kapag meron akong gagamba kasi madalas nilalaban ko rin yun sa mga ibang nag-aalaga. Yung pokeball ko yung kahon ng posporo na may mga tingting at division ng rooms para sa mga gagamba at yung sahig e yung banig ng puno ng niyog para mas kumportable daw yung mga gagamba.

Sa laban, minsan nananalo ako, minsan natatalo. Sa huli, yung kawawang gagamba pa rin yung kawawa dahil ang pinaka huling nangyayari sa kanya e namamatay lang. Namamatay na nakikipaglaban sa kapwa nya gagamba. Kung manalo man, panigurado matatalo din sya sa huli. It’s either kainin sya ng kalaban nya, bilutan ng sapot o kaya e maapakan mo. Haha.
Minsan sa sobrang desperado ko na magkaroon ng pinaka astig na gagamba, bumibili ako sa ibang nag-aalaga. Yung mga halagang bente-pesos dati, magagandang klase na yun. Yung tipong pag kinagat ka, pwede ka na maging si Spiderman kasi sobrang taba ng kanyang katawan buntis kung baga eh ang sabi nila pag buntis daw laging galit at minsan binigyan ako ng gagamba ng aking pinakamatandang pinsan sa Mandaluyong medyo may kalakihan siya at ngayon lang ako nkakita ng ganoong gagamba na yung katawan niya ay may shell matigas ang kanyang katawan ang maliksi rare species siguro siya ng gagamba at wlang nakakatalo doon kasi kagatin man yung katawan niya wa epek ang mga ngipin ng kalaban niya at sahuli siya pa rin ang champion Benok ang pinangalan ko sakanya para gangstah! pero sa huli natapakan siya ng aking Nanay at umiyay humagulgul ako noon dahil rare specie ng gagamba yun kasama ko siya sa pakikipag bakbakan sa iba pang nag-aalaga ng gagambaT_T. Sa ngayon, wala ka na masyadong makikita na bata na naglalaro ng gagamba. Ang makikita mo na lang e mga bata sa computer shop, puro DotA at kung ano-anong mga laro sa computer na lang yung nilalaro at syempre ndi mawawala ang Ipad.Mas asteeg talaga yung pagiging bata noon. Hay. Nakakamiss. Nakakatuwa lang na sobrang awesome ng kabataan ko noon.

No comments:

Post a Comment