Thursday, November 21, 2013



21 Nov 2013

To my future wife,
                Di ko alam kung anong itatawag ko sayo dahil di pa nga tayo nagkikita or pwedeng nakita na kita sa jeep, sa LRT, sa bus sa isang restaurant o sa isang fastfood chain o kung kaya sa iskwela . Pero gusto ko sana malaman mo na thankful ako at darating ka sa buhay ko balang araw. Depress na depress ako ngayon siguro dahil single ako at hindi ko pa rin nakikita yung tamang girl para saken or talagang hindi siya para saken. Well, di ko alam pero malamang batukan mo ako sa katangahan pag nagkita tayo someday. Wala akong ka laban-laban sa desisyon na ginagawa ko ngaun sa buhay ko. Akalain mo yun, hindi pa nga nagiging kami o kahit maging close man lang man lang pero kailangan ko na mag-move on agad dahil hanggang friends lang talaga ang kaya. Akala ko ikaw na sya pero mukang hindi pa ata. Mukang matagal ka pa ata darating. Hay. Kailangan ko talaga magtiis muna. Ang sakit grabe, feeling ko magugunaw mundo ko sa nararamdaman ko ngayon.
                Kelan ka ba kasi darating? Tsk. Naiinip na ako, hinahanap mo rin kaya ako? Hahaha. Bahala na, basta alam ko mababasa mo rin to balang araw.


Love, Kram

To my future husband,
                Gosh, this is really stupid but I think I’m really desperate. I’m writing to my future husband! Gosh! Kung di ba naman talaga eng-eng ang lola mo. Hahaha. Anyway, ano ba ang itatawag ko sayo? Wala akong maisip kasi baka mainis ka kapag tinawag kita sa kung ano-anong sweet na tawag. Baka sabihin mo baduy ako. Alam mo, madalas ako nag-iisip kung anong itsura. Siguro handsome ka? Hahaha. Of course! Di naman siguro kita papakasalan kung di ka gwapo. Hehe. Joke lang! Hay. Pasensya ka na kung mejo makulit ako sa letter ko na to, sobrang depressed lang ako ngayon kasi niloko ako ng boyfriend ko. Akalain mo ba naman ipagpalit ako sa panget na yun!? Bahala sya! Alam ko hindi na sya talaga ang para sakin. Hihintayin na lang siguro kita.
                Pero, kelan ka ba kasi darating? Hai. Please naman oh, dumating ka na. Hihintayin kita promise! Ayoko na kasi masaktan talaga e.  Naghahanap ka ba? O kailangan pa ba kita hanapin? Hay...
                Please be safe.


Love, ________


This is the story of how they met each other... Probably not.

(to be cont... sinusulat ko pa. demmet.)uupdate ko nlng to balang araw. hihi

No comments:

Post a Comment